People's Journal
by : Nel Alejandrino
Here’s one that’s straight from the horse’s mouth, wika nga. Sa isang article in Star Studio which Ronnie Henares wrote about former talent (of 13 years), Regine Velasquez, binanggit niyang the latter almost bagged the role of Miss Saigon (na napunta kay Lea Salonga), kung ginusto lang nito.
Talagang determined daw ang mga talent scout behind the Miss Saigon audition na ibigay kay Regine ang role. Lalo pa nga at narinig nila ang kapasidad nito bilang mang-aawit.
Ganunpaman, ayon kay Ronnie, from the start pa lang, hindi na interesado si Regine sa role. Palibhasa laking-probinsiya, obvious na ’di makita ni Regine ang sarili na gumaganap na isang bar girl, which is the role of the leading lady sa play.
Lalong ’di niya ma-imagine na may anak siya out of wedlock.
Lalo raw tumindi ang pag-ayaw ni Regine sa role nang sa isang eksena, dumamba si Miss Saigon sa bisig ng isang sundalo na ang tanging saplot ay underwear at T-shirt.
Did you know na para maiba ang desisyon ni Regine, dinala siya ng mga kinauukulan para manood ng nabanggit na play?
Pero ayon kay Ronnie, pagdating ni Regine ng Pilipinas, no pa rin ang naging sagot niya.
Sabi nga ng talent manager, noon pa man, right or wrong, ang kagustuhan pa rin niya ang pinaiiral ni Regine.
Which certainly worked naman in her favor.
No comments:
Post a Comment