People's Journal
MUKHANG matutupad ang hula kay Robin Padilla na sa taong 2007 ay muling iinit ang kanyang acting career.
In fact, magsisimula ito ngayong Oktubre once na maipalabas na sa mga sinehan ang kanilang muling pagsasama ni Regine Velasquez sa pelikula, sa Till I Met You na produced ng GMA Films at Viva.
Napanood namin sa special screening last Friday ang Till I Met You at lahat ng dumalong entertainment press ay humanga sa ipinakitang galing ni Binoe, both in comedy and drama na siyang formula ng pelikula.
Sa ganitong uri ng movie nasanay at hinangaan si Robin. Remember, ‘yung mga pelikula niya with Vina Morales (Ang Utol Kong Hoodlum) and Sharon Cuneta (Maging Sino Ka Man) ay parehong super-hit sa takilya.
Ang pagkakaiba lang sa movies niya with the Mega and Vina, dito sa Till I Met You ay walang action, pure comedy-romantic-drama ito na iba’t ibang emotions lang ang ipina-kita ni Binoe. Of course maii-attribute sa kapareha niyang si Regine ang ipinakitang husay ng dating bad boy ng local cinema.
Magaling kasing kapareha si Regine kahit sa anong pelikula at kahit sino ang kanyang leading man. Sa tanda namin, lahat ng movies ng Asia’s songbird although hindi si Binoe ang ka-love team, ay pumatok lahat sa box-office.
Dito sa Till I Met you, na-feel talaga ng bawat nanood ng special screening ang emosyon na gusto nilang iparating sa audience. Mula sa pagiging magkakontrapelo nina Gabriel (Robin) at Isay (Regine) hanggang sa unti-unti nilang pagkakilala at pag-appreciate sa mabuting kaloobang taglay ng bawat isa, at sa huli ay masidhing pag-ibig na nararamdaman nila for each other, ang stages ng emosyon na ‘yun ay na-feel talaga namin. At sa ending ng movie, na-sabi namin na mabuti na lang at ganun ang naging attitude nina Gabriel at Isay sa pagsolb ng kanilang problema, or else hindi magka-karoon ng justice, sa panig ni Eddie Garcia na lumabas na ka-love triangle ng dalawa.
Pino at klarado ang takbo at mensahe ng movie at ito naman ay nai-attribute namin sa direktor ng pelikula na si Mark Reyes.
Speaking of Robin, kung pumaltos man siya sa pagtatangkang pagpalit ng ka-rakter sa previous movies niya outside Viva Films (remember gumawa siya sa production ni Rose Flameniano, Star Cinema at sa ilang independent film producers na lahat ay hindi nag-klik) dito sa Till I Met You ay mu-ling hahangaan at mamahalin si Robin sa kanyang pagbabalik sa ‘tunay’ na katauhan sa pelikula.
(Butch Roldan)
Let's Chat!
TWENTY - October 14, 2006 - Araneta Coliseum
Love Me Again
Winning Pieces
Monday, October 09, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment