DAILY INSIDER
DINNO ERECE
WINNER ang unang baby nina Regine Velasquez and Ogie Alcasid for their Indie Music label, ang OST ng Till I Met You.
Ang recording label ng mag-business partner na sina Regine and Ogie ang magri-release ng OST ng GMA Films/Viva Films hit movie na Till I Met You to be distributed by Universal Records.
Part of the deal ito ni Regine sa pelikula that she gets the OST right at ito naman ang naging unang project ng kanilang Indie Music ni Ogie.
Bongga ang album launching, through a ticket-paying concert by Regine sa Ratsky Tomas Morato last Friday kung saan hindi lang mini concert ang ginawa ng Songbird dahil napakarami niyang kinanta.
May guest pa siya, si Robin Padilla na first time yatang napakanta nang live nang mag-duet sila ni Regine for one of the cuts of the album na Alipin, si Janno Gibbs na may kanta sa album na Ako Si Superman at ang partner ni Regine na si Ogie na kahit walang kanta sa album, sing na rin dahil after all, business niya ito.
Hindi rin lugi ang album dahil may 14 cuts ito, more than the usual album na kadalasan ay 12 songs lang. Bukod sa carrier song na title rin ng movie, dito rin ang kauna-unahang release ng Darna theme song na Di Na Nag-iisa.
No comments:
Post a Comment