People's Journal
Masaya ang GMA at Viva Films sa “GP” o “General Patronage” classification na ibinigay ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Till I Met You dahil pati bata, makakapanood nito.
Iniklian ang love scene, na one hour pa naman kinunan ni Direk Mark, para maging wholesome ang movie. Pero mapapanood nang buo ang eksena sa DVD.
May dalawang ending ang movie at bahala na ang moviegoers kung aling ending ang gugustuhin. Kami, mas gusto ang first ending dahil hindi formula at talagang nangyayari in real life. Para sa hopeless romantic naman ang second ending.
Pinakagusto namin ang eksena nina Eddie Garcia at Robin Padilla, na kahit walang dialogue, mararamdaman pa rin. Sabi ni Direk Mark, 4 a.m. niya kinunan ang eksena at humanga siya kay Robin dahil talagang umiyak sa lahat ng anggulo.
Ang eksena nina Gloria Romero at Dingdong Dantes sa Moments of Love ang naisip namin habang pinapanood ’yun.
Aliw si Kuh Ledesma rito, na may cameo role bilang si Aling Pacing, tindera sa palengke at tiyahin ni Patricia Ysmael. May cameo role rin ang mom ni Regine at ang aso niyang si George, sina Annette Gozon-Abrogar, Joey Abacan ng GMA Films at Mark Tupaz ng Shamrock.
Bukas, October 11, na ang opening ng romance movie in more than 100 theaters nationwide.
Let's Chat!
TWENTY - October 14, 2006 - Araneta Coliseum
Love Me Again
Winning Pieces
Tuesday, October 10, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment