Let's Chat!

TWENTY - October 14, 2006 - Araneta Coliseum

Love Me Again

Winning Pieces

Monday, October 23, 2006

Ogie, Janno at Robin, pinagsabay-sabay ni Regine

People's Journal


Enjoy ang nanood ng show ni Regine Velasquez sa Ratsky T. Morato last Friday, sabay ng launching ng soundtrack ng Till I Met You sa presence nina Robin Padilla, Janno Gibbs at Ogie Alcasid. Hindi malaman ng tao kung kaninong pangalan ang isisigaw.

May rason ang pagdating ni Robin dahil tuloy ang pagpu-promote nila ni Regine ng kanilang pelikula.

Guest naman si Janno at kinanta ang song niya sa album na Ako si Superman.

Kailangan ding present si Ogie dahil siya ang president at CEO ng Indimusic, producer at nag-release ng album na, pansin namin, ayaw paniwalaan ng audience.

Sigawan ang tao nang ihatid ni Robin si Ogie sa stage, na ikinagulat ni Regine at idinaan sa comedy ni Janno ang pagkakasabay-sabay nilang tatlo sa iisang venue at pare-pareho silang na-link kay Regine.

Kuwela ang sinabi nitong kay Regine nila itinuloy ni Ogie ang pagiging magkaribal kay Manilyn Reynes noon.

Hindi nagpahuli si Robin kina Janno at Ogie at kinanta nito nang live ang Alipin at sumabay sa tatlo na kinanta ang Bakit Ngayon Ka Lang.

Ipinarinig din ni Regine ang second single release ng album na Don’t Go, sinulat ni Viktoria.

Kumita si Regine sa show na ’yun dahil may nagbigay ng yen, dollar, peso at iba pang currency.

No comments: