by : Nitz Miralles
People's Journal
IN-ANNOUNCE sa victory dinner ng Till I Met You na P40 million ang kinita ng pelikula sa five-day run. Tantiya ng mga producer, mahi-hit nito ang P100-million mark during its entire run.
Kaya, hindi lang sina Regine Velasquez at Robin Padilla ang masaya, mas happy sina Annette Abrogar ng GMA Films at Veronique del Rosario ng Viva Films.
May tampuhan sina Regine at Robin sa victory dinner dahil ’di dumating ang actor sa mall tour nila last Sunday.
Ang tagal daw binati ng una ang huli nang sunduin sa taping ng Pinoy Pop Superstar at kinailangang lumuhod ng actor bago patawarin.
Next year pa ang follow-up movie ng dalawa’t may gagawin si Regine sa Viva at may iba ring project si Robin.
Pero patuloy silang magkikita dahil may gagawing concert si Regine, na ang beneficiary ay ang foundation ni Robin para sa free education ng mga batang Muslim.
a December 1 gagawin ang concert sa Zirkoh at susunod ang mas malaking concert next year sa isang hotel.
Touched si Robin dahil si Regine mismo ang nag-offer na mag-concert at ito na rin ang mag-iisip ng concept. Thankful din si Robin kay Allan K dahil libreng ipagagamit ang Zirkoh para sa show.
Samantala, hindi lang namin alam kung seryoso si Robin sa sinabing tutulungan siya ng asawang si Liezl Sicangco sa panliligaw kay Regine.
Narito ang kanyang asawa at ito rin ang magsasabi kay Regine na walang magiging problema kung papayag siyang pakasal kay Robin.
Let's Chat!
TWENTY - October 14, 2006 - Araneta Coliseum
Love Me Again
Winning Pieces
Wednesday, October 18, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment