Let's Chat!

TWENTY - October 14, 2006 - Araneta Coliseum

Love Me Again

Winning Pieces

Tuesday, February 06, 2007

Regine Velasquez undergoes major medical operation

Regine is scheduled for operation to remove a polyp in her body on February 11.

Sasailalim sa isang operasyon ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa February 11. Si Regine mismo ang nagbalita nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong re-launching ng SOP kahapon, February 4, sa GMA-7 compound.

Isang medical procedure ang gagawin kay Regine upang alisin ang polyp niya na posible raw na cause ng madalas niyang pagkakaroon ng migraine. (Ayon sa wikipedia, ang polyp ay "abnormal growth of tissue projecting from a mucous membrane." Karaniwan itong natatagpuan sa "colon, stomach, nose, urinary bladder, and uterus.")

Noon pa sanang October dapat nagpa-opera si Regine pero dahil naging busy siya sa kanyang showbiz and singing career, ngayong buwan lang isasagawa ang nabanggit na medical procedure.

Tiyempo kasing may mga commitments si Piolo Pascual na katambal ni Regine sa pelikulang Fallen ng Star Cinema at Viva Films, kaya habang wala siyang shooting, sinamantala ng Asia's Songbird na magpa-opera na.

Ito rin ang dahilan kung bakit walang Valentine show ngayon ang singer-actress. After her operation kasi, dalawang linggong pahinga ang kanyang kailangan. Hindi siya maaaring kumanta, hindi siya maaaring nakatayo nang matagal, at hindi rin maaaring maglakad.

Hindi naman tumor sa utak ang cause ng madalas na migraine ni Regine, pero kapag hindi raw inalis ang naturang polyp, malamang na mauwi ito sa kanser. Ito ang iniiwasan ni Regine kaya minabuti niya na magpa-opera na.

Ayon pa kay Regine, hindi bibiyakin o hihiwain ang anumang bahagi ng katawan niya dahil laser daw ang gagamitin na surgical procedure. Hindi man delikado ang operasyon na gagawin sa kanya, worried pa rin si Regine dahil never pa siyang naoperahan sa tanang buhay niya.

No comments: