INIISIP lang namin, ‘yung huling pelikula ni Robin Padilla, hindi rin naman nakaligtas sa video pirates na ang ilan ay mga kasamahan niya yata sa pananampalataya.
Katunayan ikalawang araw pa lamang ng pelikula sa mga sinehan, available na iyan sa VCD at DVD na ipinagbibili ng mga pirata hindi lang sa Quiapo kungdi pati rin sa Baclaran, Makati, Cubao at maski na sa mga probinsya.
Alam naman ninyo ang piracy dito sa atin, nationwide na rin.
Alam kasi ng mga pirata na ang ginagawa ng producers, nationwide din ang showing ng pelikula nila, kaya sinasabayan na rin ng video pirates. Eh, iyan namang mga piratang iyan, hindi mahuhuli ka-hit na ano pa ang gawin natin.
Kaya nga maliwanag na example iyang pelikula ni Robin Padilla, na kagaya rin naman ng mga pelikulang Kano, napipirata man ilang buwan pa bago ilabas dito sa ating bansa, kumikita pa rin.
Kung kumikita ang mga pelikula, hindi ang krisis sa kabuhayan ang dahilan kung bakit bagsak ang Pinoy mo-vies.
Ang tunay na dahilan, iginigiit ng producers ‘yung maliit na puhunan nila.
Gumagawa ng digital films, na ang istorya ay hindi naman gusto ng masa.
Ang mga direktor ay mga baguhang walang karanasan at walang pangalan at parang nagti-trip lang dahil ginagawa nila ang maganda para sa kanila nang hindi iniisip ang mga mata ng mga manonood.
Bukod dito, ang mga bida nila ay puro mga starlets para makatipid. Wala pang publisidad ang mga pelikula nila, kasi nagti-tipid nga ang producers.
Kumukuha rin sila ng mga PRO na mumurahin lang din.
Ang resulta, hindi ku-mikita ang mga pelikulang Pilipino. Naghahanap sila ngayon ng sisisihin. At ang binabagsakan ay ang mga pirata.
Eh, magngangawa man sila, iyang piracy na operasyon ng mga pirata, para ring jueteng. May kumikita ng milyon diyan at malabong mapatigil iyan.
Kaya ang dapat ibalik ay ‘yung dati. Gumawa sila ng mga maayos na pelikula. Pagawin nila ng pelikula iyong Box-office directors. Kunin nilang artista iyong mga sikat at may mga batak sa mga tao.
Kung gagawin nila iyan, malamang ay babangon ang industriya ng pelikulang Pilipino.
Dapat tigilan na nila ang malalaswang digital films. Baka nga dahil sa mga kalaswaan nila kaya pinaparusahan na ng Di-yos ang industriya.
Let's Chat!
TWENTY - October 14, 2006 - Araneta Coliseum
Love Me Again
Winning Pieces
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment