Let's Chat!

TWENTY - October 14, 2006 - Araneta Coliseum

Love Me Again

Winning Pieces

Tuesday, November 28, 2006

Regine, di malilimutan ang concert ni Barbra

BABYTALK Ni Salve V. Asis
Ang Pilipino STAR Ngayon 11/28/2006

Very unforgettable pala for Regine Velasquez ang panonood niya ng concert ng idol niyang si Barbra Streisand last November 20 sa Las Vegas.

"Fan na nga raw siya ni Barbra, fan pa siya ng mga nasa audience, kaya talagang panay ang kwento ni Regine tungkol sa kanyang experience," kwento ng isang friend ni Regine.

Kasamang nanood ng Asia’s songbird ang parents niya.

Nasa audience raw kasi sina Barry Manilow, Kurt Rusell, Tom Hanks, Goldie Hawn, Leonardo DiCaprio, Rosie O’Donell, Shirley Maclaine among others na sikat.

Kwento pa raw ni Regine, ang galing pa ring mag-concert ni Barbra at meron daw itong isang number na tinanggal ang shoes at umupo sa stage.

Anyway, nag-story conference na sina Regine and Piolo Pascual para sa gagawin nilang movie na may tentative title na Fallen at malamang mag-start ang shooting sa December 5 under the direction of Joyce Bernal.

Saturday, November 18, 2006

Reflections on TV

"Reflections" will be shown on the Kapuso Network on November 26, right after DaddyDiDoDu.

Tuesday, November 14, 2006

Robin, Regine, wagi sa FAMAS!

igma.tv

Dumaan man sa matinding kontrobersya, natuloy rin sa wakas ang 54th FAMAS Awards. Pero kung dati ay sa magagarang hotel o auditorium ang venue, ngayong taon ay simple lang ito: sa studio ng NBN 4 ginawa ang gabi ng parangal.

"We were aiming for the first week of December, pero mahirap na ang kumuha ng lugar, tsaka yung mga ibang requirements. Kaya, finally, we found this time and place," paliwanag ni Art Padua, ang presidente ng FAMAS..

Wagi ang ilang Kapuso stars, na pinangunahan ni Robin Padilla bilang bilang Best Actor para sa pelikulang La Visa Loca. Eddie Garcia ang tumanggap ng FPJ Memorial Award, habang si Regine Velasquez ang Golden Artist Awardee. Tumanggap naman sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ng German Moreno Youth Achievement Award, habang sina BJ "Tolits"

Forbes ang itinanghal na Best Child Actor at si Ella Guevarra naman ang Best Child Actress.

Bukod sa mga awards na natanggap nila, nagpapasalamat rin sina Robin at Regine dahil five weeks nang showing ang pelikula nilang 'Til I Met You.

Golden Artist award for Regine

people's journal
[snip]

Padilla shared his victory with Till I Met You co-star Regine Velasquez who, in turn, received the Golden Artist special award.

Friday, November 03, 2006

Robin, Regine kumita kahit kinatalo ng mga pirata

INIISIP lang namin, ‘yung huling pelikula ni Robin Padilla, hindi rin naman nakaligtas sa video pirates na ang ilan ay mga kasamahan niya yata sa pananampalataya.

Katunayan ikalawang araw pa lamang ng pelikula sa mga sinehan, available na iyan sa VCD at DVD na ipinagbibili ng mga pirata hindi lang sa Quiapo kungdi pati rin sa Baclaran, Makati, Cubao at maski na sa mga probinsya.

Alam naman ninyo ang piracy dito sa atin, nationwide na rin.

Alam kasi ng mga pirata na ang ginagawa ng producers, nationwide din ang showing ng pelikula nila, kaya sinasabayan na rin ng video pirates. Eh, iyan namang mga piratang iyan, hindi mahuhuli ka-hit na ano pa ang gawin natin.

Kaya nga maliwanag na example iyang pelikula ni Robin Padilla, na kagaya rin naman ng mga pelikulang Kano, napipirata man ilang buwan pa bago ilabas dito sa ating bansa, kumikita pa rin.

Kung kumikita ang mga pelikula, hindi ang krisis sa kabuhayan ang dahilan kung bakit bagsak ang Pinoy mo-vies.

Ang tunay na dahilan, iginigiit ng producers ‘yung maliit na puhunan nila.

Gumagawa ng digital films, na ang istorya ay hindi naman gusto ng masa.

Ang mga direktor ay mga baguhang walang karanasan at walang pangalan at parang nagti-trip lang dahil ginagawa nila ang maganda para sa kanila nang hindi iniisip ang mga mata ng mga manonood.

Bukod dito, ang mga bida nila ay puro mga starlets para makatipid. Wala pang publisidad ang mga pelikula nila, kasi nagti-tipid nga ang producers.

Kumukuha rin sila ng mga PRO na mumurahin lang din.

Ang resulta, hindi ku-mikita ang mga pelikulang Pilipino. Naghahanap sila ngayon ng sisisihin. At ang binabagsakan ay ang mga pirata.

Eh, magngangawa man sila, iyang piracy na operasyon ng mga pirata, para ring jueteng. May kumikita ng milyon diyan at malabong mapatigil iyan.

Kaya ang dapat ibalik ay ‘yung dati. Gumawa sila ng mga maayos na pelikula. Pagawin nila ng pelikula iyong Box-office directors. Kunin nilang artista iyong mga sikat at may mga batak sa mga tao.

Kung gagawin nila iyan, malamang ay babangon ang industriya ng pelikulang Pilipino.

Dapat tigilan na nila ang malalaswang digital films. Baka nga dahil sa mga kalaswaan nila kaya pinaparusahan na ng Di-yos ang industriya.